Wednesday, July 7, 2010

Graft probe vs. Arroyo goes to freezer in the meantime

HAPPY 54TH ANNIVERSARY, DADDY, MOMMY: July 8, 2010 marked the 54th wedding anniversary of my parents, and I thank God, in the name of Jesus, that despite the problems and rigors of daily living, the two of them---Melanio Pauco Mauricio Sr., 78, of Tarlac and Salvacion Haber Lazo, 76, of Ilocos Sur---continue to be together and, mercifully, living happily ever after. Once again, salamat sa Diyos sa ngalan ni Jesus.

-ooo-

GRAFT PROBE VS. ARROYO GOES TO THE FREEZER IN THE MEANTIME: I guess that, indeed, the Department of Justice order holding in abeyance the required preliminary investigation of the graft charges against former President Arroyo on account of the failure of the Truth Commission to come up with its guidelines yet confirms what we have written here just this week.

The investigation and, if warranted, the prosecution of Mrs. Arroyo and her family, official and personal, will have to be in the freezer for now, because, legally, there is now a bar to that investigation and prosecution, and this bar is the Hilario Davide Truth Commission. For how long? Only the commission can tell us that.

-ooo-

DECRIMINALIZE LIBEL TO PROTECT MEDIAMEN NOW: Arming journalists and other mediamen supposedly to protect them from attacks from determined assassins is no protection at all. There is no one---and there is nothing---here on earth that can stop killers and their masterminds from injuring or killing newsmen who are outspoken.

If we really want to protect mediamen, we must teach them first of all to be godly, subjecting themselves to God and His Word, obeying His commands and decrees, for that is the real protection for everyone. Then, we can decriminalize our laws on libel and remove it as a threat against press freedom.

-ooo-

LORENZO OFFER TO BECOME STATE WITNESS PREMATURE: Luis “Chito” Lorenzo, the former secretary of the Department of Agriculture who has returned from a five-year exile, may soon realize that it may have been too early for him to be even considering to offer himself as a state witness in the P728 million fertilizer fund scam being attributed to the Arroyo administration.

The fact is that, under Section 9 of Republic Act 6981 (or the Witness Protection, Security and Benefit Act) and Sections 9 and 10 of Rule 119 of the Revised Rule on Criminal Procedure, there could be a state witness only if the appropriate criminal charges have already been filed in court. Here, there are even no court cases yet, so where is Lorenzo going to be a witness?

-ooo-

THE LORD DETESTS LYING LIPS: And, while we are on the issue of witnesses, I guess it is appropriate to see what the Holy Bible, particularly its Book of Proverbs, says about witnessing, testifying and about witnesses in general.

Here are some of them: A truthful witness gives honest testimony, but a false witness tells lies (Proverbs 12: 17). Truthful lips endure forever, but a lying tongue lasts only a moment (Proverbs 12:19). The LORD detests lying lips, but he delights in men who are truthful (Proverbs 12:22).

What kind of witness are you? Email me at batasmauricio@yahoo.com.

----

Imbestigasyon vs. Arroyo mapi-freezer muna


MALIGAYANG IKA-54 NA ANIBERSARYO, DADDY, MOMMY: Salamat sa Diyos, sa ngalan ni Jesus, ginunita ng aking mga magulang ang kanilang ika-54 na anibersaryo ng kasal noong Julio 8, 2010. Nagpapasalamat kami ng lubos na sa kabila ng mga problema sa buhay, silang dalawa---si G. Melanio Pauco Mauricio, Sr., 78, ng Tarlac at Salvacion Haber Lazo, 76, ng Ilocos Sur---ay patuloy sa maligayang pagsasama. Minsan pa, salamat sa Diyos sa ngalan ni Jesus.

-ooo-

IMBESTIGASYON VS. ARROYO MAPI-FREEZER AT TITIGILAN MUNA: Sa aking palagay, ang utos ng Department of Justice na pumipigil pansamantala sa imbestigasyon ng mga kasong katiwalian o graft and corruption laban sa dating Pangulong Arroyo dahil sa hindi pa nailalabas ng Truth Commission ang kanyang mga alintuntunin ay kumumkupirma sa ating isinulat dito nito lamang linggong ito.

Ang imbestigasyon at ang posibleng paglilitis ni Gng. Arroyo at ng kanyang mga kapamilya at mga opisyales ay mapi-freezer at titigilan na muna sa ngayon, sapagkat, batay sa batas, mayroon ng legal na pagbabawal laban sa nasabing imbestigasyon at pag-uusig, at ito nga ay ang Truth Commission ni Hilario Davide. Kung gaano katagal ang pagtigil na ito ay tanging ang komisyon lamang ang makakapagsabi.

-ooo-

ALISIN ANG LIBELO BILANG KRIMEN: Ang pagbibigay ng baril o armas sa mga peryodista at iba pang mga nasa media upang protektahan sila laban sa mga nagnanais silang saktan o patayin ay hindi totoo at tunay na proteksiyon para sa kanila. Walang sinuman---at walang anuman---sa mundong ito na makakapigil sa isang mamamatay-tao at ang mga nag-utos sa kanila sa kanila na saktan o patayin nga ang mga mamamahayag.

Kung nais nating bigyan ng tunay na proteksiyon ang mga nasa media, kailangang turuan natin silang maging maka-Diyos sa lahat ng sandali at nagpapasakop sa Diyos at sa Kanyang Salita, at sumusunod sa Kanyang mg autos at tuntunin, sapagkat iyan lamang ang tunay na proteksiyon para sa lahat. Tapos, alisin na natin ang libelo bilang krimen, upang maaalis na din ito bilang banta sa kalayaan sa pamamahayag.

-ooo-

ALOK NI LORENZO PARA MAGING STATE WITNESS DI PA NAPAPANAHON: Tila yata naging maaga masyado ang pagsasabi ni Luis “Chito” Lorenzo, ang dating kalihim ng Kagawaran ng Agrikulta na nakabalik na mula sa limang taong pamamalagi sa ibang bansa, na nais niyang maging testigo ng gobyerno sa kaso ng P728 milyong fertilizer fund mess na ibinabato sa Arroyo administration.

Sa totoo lang kasi, sa ilalim ng Section 9 ng Republic Act 6981 (o ang Witness Protection, Security and Benefit Act) at ng Sections 9 and 10 ng Rule 119 ng Revised Rule on Criminal Procedure, papayagan lamang ang isang tao na maging testigo ng gobyerno kung may kaso ng nakabimbin sa husgado. Sa kaso ng fertilizer scam, wala pa namang naisasampang kaso, kaya saan magiging state witness si Lorenzo?

-ooo-

GALIT ANG DIYOS SA MGA MAPAGSINUNGALING NA MGA LABI: At, habang nasa isyu tayo ng mga testigo, magiging maganda kung alamin natin ngayon kung ano ang sinasabi ng Bibliya, lalo na sa kanyang mga Aklat ng Kawikaan, ukol sa mga testigo at saksi, at pagte-testigo.

Naririto ang ilan sa kanila: Ang isang makakatotohanang saksi ay nagbibigay ng tapat na salaysay, subalit ang tiwaling saksi ay nagsasabi ng kasinungalingan (Kawikaan 12:17). Ang mga makakatotohanang-labi ay nabubuhay hanggang sa walang hanggan, subalit ang nagsisinungaling na dila ay nawawala kapagdaka (Kawikaan 12:19). Galit ang Diyos sa mga sinungaling, subalit nagagalak Siya sa mga taong tapat (Kawikaan 12:22).

Anong klaseng saksi kayo? Paki-email po ako sa batasmauricio@yahoo.com.

-ooo-

BATAS INTERNET TV, BATAS INTERNET RADIO: Please watch BATAS INTERNET TV and please listen to BATAS INTERNET RADIO through the website www.batasradio.com (click Batas ITV for tv, and BatasRadio.com for radio). We are on the air 24 hours a day, seven days a week.

No comments:

Post a Comment