Sunday, July 4, 2010

Media `restless’ over PNoy’s team

PNOY SHOULD BE BOTHERED WITH MEDIA’S RESTLESSNESS WITH HIS TEAM: If I were President Benigno Aquino III, I will be greatly bothered by media’s increasing restlessness with the Malacanang team that has just been installed to help in running the affairs of the nation

To avert further deterioration of the President’s relationship with the press, he must tell Education Secretary Bro. Armin Luistro, for instance, to go easy as it were on blaming the media as being part of the problems confronting the Aquino administration, conscious as the President and everyone should be of the great help that media gave to project him while he was still “candidate Noynoy”.

The President should also make it a point to tell all incumbent Cabinet secretaries to be more patient and understanding of media, even if many of its members are at times bellicose and too-insistent on getting the secretaries’ attention, pressured as they are for deadlines to report what is going on in this one week-old administration.

-ooo-

PNOY SHOULD DO SOMETHING TO PATCH UP DIFFERENCES BETWEEN MEDIA AND HIS OFFICERS: If this matter is not addressed properly and seasonably, it could create an early and evidently unwanted friction between the President and the media, which is supposed to be his partner in effectively running the government, but which is fast turning out to be a formidable adversary even at this early stage of his governance.

As it is, stories are now being written and printed, published and read over radio-TV newscasts and public affairs programs, depicting the Aquino administration as a mere shadow of the Arroyo administration when it comes to efficiency and common-sense savvy in discharging presidential duties and responsibilities.

The Aquino administration is just one week old, and it certainly does not need the battering it is now receiving from those who wrote good stories about “candidate Noynoy” during the election campaign. Aquino’s officials must understand that media is a friend, not an opposition group.

-ooo-

ASSUMPTION OF THE BLESSED VIRGIN MARY: The fourth “Glorious Mystery” in the Holy Rosary of the Roman Catholic Christians is the assumption of the Blessed Virgin Mary, which deals with the taking up into heaven of Mary, body and soul.

Even among Christians though, this is a controversial issue, with many of the so-called believers outside of the Catholic faith insisting that the assumption of Mary into heaven did not happen.

But the teachings of Roman Catholic Christians point to the occurrence of the event, and Catholic popes and leaders from the 3rd century on actually cite many portions of the Bible to justify this belief.

In Wikipedia, an item on the assumption of Mary contains this explanation: “All these passages – John 14:3, Isaiah 60:13, Luke 1:28, Song of Songs 8:5, 1 Corinthians 15:21-26, Psalms 132:8, Psalms 45:9-17, Song of Songs 3:6, 4:8, 6:9, Genesis 3:15, and Revelation 12:1-2 – are drawn upon as Scriptural support of the Assumption both in that original document, and today by Catholic apologists.”

The prevailing thought is that these Biblical references show that Jesus would not have allowed His own mother to have died and her flesh to have degenerated to dust.

Also, considering Mary’s role in giving birth to the “seed” (Jesus) that will crush Satan, it is believed that the fate of Jesus in ascending to heaven body and soul is the same fate that happened to Mary.

---


Media, may gusot sa PNoy team


PNOY, DAPAT MABAHALA SA MAAGANG DISGUSTO NG MEDIA SA KANYANG MGA ITINALAGA: Kung ako ang Pangulong Benigno Aquino III, sasakit ang ulo ko dahil lumalaki ang problema ko sa lumalalang disgusto ng media sa mga itinalaga ko sa Gabinete sa Malacanang upang tumulong sa pagpapatakbo ng bansa.

Kaya nga upang maiwasan ang mas maigting na pagbagsak ng relasyon ng Pangulo sa mga mamamahayag, kailangang sabihan niya itong si Education Secretary Bro. Armin Luistro halimbawa na maghinay-hinay lamang sa paninisi sa media bilang bahagi ng mga suliranin ng Aquino administration, at alalalahanin nitong malaki ang naitulong ng media sa Pangulo noong siya ay kumakandidato pa lamang.

Kailangang sabihan din ng Pangulo ang mga nakaupo ngayon bilang mga kalihim sa Gabinete na dapat silang maging mas pasensiyoso at maunawain sa media, bagamat marami sa kanila ang madalas na tila pala-away at mataray sa kanilang mga pagpupumilit na makausap ang mga kalihim dahil na rin sa kanilang mga deadlines upang makapag-ulat sa mga nangyayari sa administrasyong ito na halos ay isang lingo pa lamang tumatakbo.

-ooo-

PNOY, DAPAT AYUSIN ANG GUSOT SA PAGITAN NG MEDIA AT NG KANYANG MGA ITINALAGANG OPISYALES: Kung hindi ito mareremedyuhan ng maayos habang ito ay nag-uumpisa pa lamang, maaari itong magdulot ng maaga at di-kanais-nais na gusot sa pagitan ng Pangulo at ng media, na dapat ay katuwang nito sa pagpapatakbo ng maayos sa gobyerno (pero sa ngayon ay nakikita ng nagiging mabigat na kaaway ng administrasyon).

Sa ngayon, marami na ang mga balitang naisulat, nailimbag at nabasa sa radyo at telebisyon na bumabatikos sa Aquino administration bilang anino lamang ng nakalipas na Arroyo administration kung kahusayan sa pagtatatrabaho sa Malacanang ang pag-uusapan.

Isang linggo pa lamang halos ang Aquino administration, at siguradong hindi pa nito kailangan sa ngayon ang mga pambubogbog na nararanasan na nito sa media, lalo na sa mga mamamahayag na sumulat ng mga magagandang balita ukol kay Noynoy noong kampanya. Kailangang intindihin ng mga opisyales ni Aquino na ang media ay kaibigan, hindi oposisyon.

-ooo-

MISTERIO SA ILAW NAG-UUMPISA SA BINYAG NI JESUS: Pagkatapos ng mga Misterio sa Tuwa sa Banal na Rosaryo ng mga Kristiyanong Romano Katoliko, sumusunod naman ang mga Misterio sa Ilaw upang isalarawan ang isa pang aspeto ng buhay ni Jesus mula sa kanyang pagbibinyag o bautismo hanggang sa Huling Hapunan.

Kung ating papansinin, ang lahat ng mga Evangelio nina Mateo, Marcos, Lucas at Juan ay naglalaman ng kuwento ng binyag o bautismo ni Jesus. Sa Mateo, makikita natin ito sa Capitulo 3, bersikulo 13 hanggang 17.

Sa Marcos naman, mababasa natin ito sa Capitulo 1, bersikulo 9 hanggang 13, samantalang sa Lucas, ang kuwento ay matatagpuan sa Capitulo 3, bersikulo 21 hanggang 22.

Sa Juan, makikita natin ang kuwentong ito sa Capitulo 1, bersikulo 29 hanggang 34, bagamat hindi kasing-liwanag ang kuwento ni Juan ukol dito kumpara sa mga naunang mga kuwento.

Magkaganunman, ang bautismo o binyag ni Jesus, na isinakatuparan ng Kanyang pinsang si Juan Bautista sa Ilog ng Jordan, ay nagpapatuloy sa pagpapatotoo sa pagiging maka-langit ni Jesus, at sa kanyang katayuan bilang Anak ng Diyos.

Sa lahat ng mga Evangeliong ito, ikinukuwento doon na matapos mabinyagan si Jesus, nagbukas ang langit at ang Espiritu Santo ay bumaba sa Kanya sa anyo ng kalapati at kidlat, kasabay ng isang tinig mula sa langit na nagsasabing “Ito ang aking Anak, na minamahal Ko. Sa Kanya, Ako ay lubos na nalulugod.”

Kung ating wawariin ang buong kasaysayan ng mundo, makikita nating walang iba pang tinawag ang Diyos bilang Kanyang Anak, na Kanyang minamahal at kinalulugdan, maliban kay Jesus.

-ooo-

BATAS INTERNET TV, BATAS INTERNET RADIO: Please watch BATAS INTERNET TV and please listen to BATAS INTERNET RADIO through the website www.batasradio.com (click Batas ITV for tv, and BatasRadio.com for radio). We are on the air 24 hours a day, seven days a week.

No comments:

Post a Comment